Community Guidelines

Maligayang pagdating sa Tinder!
Sa Tinder maaaring makabuo ng mga makabuluhang koneksyon. Nag-uumpisa Ito sa Isang Swipe™. Minsan click kayo. Minsan hindi. At minsan, ang usapan ay nagbubunga ng higit pa. Labis-labis ang mga oportunidad. Walang hanggang posibilidad. Lahat (ng nasa hustong edad) ay inaanyayahang mag-explore.

Nais naming maging masaya, ligtas, at inklusibong lugar ang Tinder kung saan kahit na sino ay maaaring magpakatotoo habang nakikipagkilala sa iba. Iyan ang layunin ng Community Guidelines na ito–para makapagtakda ng mga aasahan para sa ugali ng lahat, parehong sa loob at labas ng app. Kaya ipagpatuloy ang pagbabasa; ang hindi pagsunod sa mga tuntunin na ito ay maaaring magkaroon ng kahihinatnan-mula sa nudge hanggang sa pag-ban.

Tinder's Rules:

1. Isaalang-alang ang mga limitasyon. Magkakaiba ang antas ng kapalagayan ng bawat tao. Kaya hindi namin pinapayagan ang paghuhubad, seksuwal na content, seksuwal na pagnanasa, o paghahanap ng sex sa pampublikong profile mo. Kung ikaw ay nasa pribadong pag-uusap, okay lang ang mga ito kung okay ang lahat dito. Mahalaga ang consent.

2. Maging mapanuri at maingat sa pagbabahagi. Huwag hayagang isapubliko ang iyong personal na impormasyon o mga paraan para makipag-ugnayan sa iyo ang ibang tao (huwag ipakita sa publiko ang mga bagay gaya ng numero ng telepono, emails, o social handles). Ang pagbabahagi ng numero ng iyong bank account o password ng email sa lahat ng pagkakataon ay masamang ideya. Huwag ding hilingin sa iba na ipadala sa iyo ang kanilang mga personal na detalye. Mag-ingat, kapag may humihiling sa iyo na padalhan sila ng pera o hinihikayat kang mag-invest, malamang scam iyan.

3. Umiwas sa bayolenteng content. Isinusulong namin ang pagiging positibo at hindi namin hahayaan ang anumang klase ng bayolenteng content na may gore, kamatayan, mga imahe o deskripsyon ng karahasan (laban sa mga tao o mga hayop), paggamit ng armas, at anumang panghihikayat o pag-puri sa pananakit sa sarili.

Kung makita namin na may peligrong nagbabadya ng pinsala, maaari kaming gumawa ng aksyon para umasiste, gaya ng pagtawag direkta sa crisis resources.

4. Bumuo ng mga personal na koneksyon, hindi mga pang-negosyo. Iwasang mag-advertise, mag-promote, o mag-share ng social handles mo para lang magkaroon ng followers, magbenta ng mga bagay, mag-fundraise, o mangampanya. Ibig sabihin din nito, ang Tinder ay hindi isang lugar ng anumang sex work, escort services, o bayarang relasyon. Kaya, huwag–huwag mong gamitin ang Tinder para maghanap ng sugar daddy.

5. Maging natural. Gusto nilang makilala ang totoong ikaw. Hindi ang iyong pekeng persona Iwasan ang paggawa ng fake account o magpanggap bilang ibang tao, kahit na katuwaan lang.

6. Makipag-usap nang may Respeto. Medyo komplikado ang pakikipag-usap sa mga bagong tao, lalo na kapag nakikipag-interak ka sa iba't ibang klase ng tao. Malaki ang naitutulong ng respeto.

Kung ang pag-uusap ay biglang naging hindi kanais-nais at nakaramdam ka ng inis o galit–huminto at mag-isip-isip bago ka tumugon. Ang pangha-harass, pananakot, pangbu-bully, paninindak, paglalantad ng pribadong impormasyon, sextortion, pangba-blackmail, o anumang gawain na sinadya para makapahamak ng iba ay ipinagbabawal.

Ang Tinder ay hindi lugar para sa pagkamuhi. Kailanman ay hindi namin susuportahan ang rasismo, bigotriya, poot, o karahasan base sa kung sino ang isang tao, paano nila kinikilala ang kanilang sarili o kung ano ang itsura nila. Kasama rito (pero hindi limitado sa) ang lahi, etnisidad, nasyonalidad, estado ng immigration, uri, relihiyon, pangkasariang pagkakakilanlan, seksuwal na oryentasyon, kapansanan, uri ng katawan, o kalagayan ng kalusugan ng isang tao. Kung may makita kang tao na hindi tugma sa personal na standards mo, huwag mo silang i-like o i-unmatch sila at mag-move on. Huwag mo silang i-report maliban na lang kung sa tingin mo ay lumabag sila sa aming mga patakaran.

7. Makitungo nang may kabutihan, hindi nang may kapahamakan. Ang anumang gawain o ugali na nagmumungkahi, naglalayon, o nagdudulot ng kapahamakan sa ibang user - online man o offline, pisikal o digital - ay seryosong pagtutuunan ng pansin. Kasama rito ang anumang pag-anyaya o pag-uudyok ng kapahamakan.

Kung nasaktan ka ng isang tao sa Tinder: una, alagaan mo ang iyong sarili, at pangalawa, maglaan ng oras para makapagdesisyon kung ano ang iyong dapat pagalingin, kung ito man ay accountability measures, disclosure, suporta, o lahat ng nabanggit. Kung kasama rito ang pag-report ng pinsala sa amin, mangyaring makipag-ugnayan. Narito kami para sa iyo.

8. Para lang sa mga nasa hustong gulang. Kailangang ikaw ay 18 o pataas upang makagamit ng Tinder. Ibig sabihin din nito, hindi namin pinapayagan ang mga letrato ng mga menor de edad na mag-isa o hubad, kasama ang mga letrato mo noong bata ka pa–kahit na gaano ka pa ka-cute noon.

9. Sumunod sa batas. Bawal ang mga ilegal na content o aktibidad, kailanman. Ibig sabihin nito ay hindi mo puwedeng gamitin ang Tinder para bumili o magbenta ng droga o pekeng produkto, o humingi ng tulong para lumabag sa batas. Hindi namin pinapayagan ang sinumang gagamit ng Tinder para manghikayat o sumali sa anumang karahasan kung saan sangkot ang mga menor de edad, o human trafficking.

10. Isang tao, isang account. Ang bawat account ay maaaring magkaroon lamang ng isang may-ari. Dahil sa mga dahilang lohistikal at kumpidensyalidad, hindi namin maaaring suportahan ang pagkakaroon ng access ng maraming tao sa iisang account, ang bawat indibidwal ay kinakailangang may sariling account. Ang isang tao ay hindi rin maaaring magkaroon ng higit sa isang account sa parehong pagkakataon.

11. Lugar mo ito, mag-post ka ng sarili mong content. Huwag mag-post ng mga letrato o pribadong messages mula sa ibang tao maliban na lang kung binigyan ka nila ng pahintulot para gawin ito. Huwag mag-post ng gawa na may copyright o trademark ng iba.

12. Maging mabuting Tinder user. Huwag abusuhin ang Tinder. Huwag gamitin ang Tinder para magpakalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Huwag magpakalat ng mga nakakapahamak na link o hindi hinihinging content. Huwag gumawa ng maraming account. Huwag gamitin ang Tinder para manipulahin, lokohin, o hikayatin ang ibang tao na padalhan ka ng pera o anumang bagay. Okay lang makipag-usap sa mga kaibigan at pamilya mo tungkol sa mga taong kikitain mo, pero huwag isapubliko ang kanilang personal na impormasyon. Huwag magsumite ng mga maling, mapanlinlang, o nakakapahamak na report. Huwag gumamit ng third-party apps o iba pang teknolohiya para maka-unlock ng features o dayain ang sistema. Huwag mang-harass, magbanta, o kaya ay lumabag sa mga patakarang ito kapag direktang nakikipag-ugnayan sa Tinder, Match Group, o sa mga affiliate nito.

13. Bumisi-bisita para manatiling active. Kung hindi ka magla-log in sa Tinder account mo sa loob ng dalawang taon, ipagpapalagay namin na hindi mo na ito ginagamit at maaaring burahin ito dahil sa kawalan ng aktibidad. Kaya kung gusto mong makita ka sa app, mag-log in ka paminsan-minsan.

Reporting

Bilang member ng Tinder community, hinihikayat ka naming magsalita at ipahayag ang sarili. Kung mayroong namemerwisyo sa iyo o lumalabag sa aming Community Guidelines–i-report mo. Ang report ninyo ay itinuturing naming kumpidensyal. Sa pamamagitan ng pag-report, tinutulungan mo kaming mapigilan ang mapaminsalang pag-uugali, at maprotektahan ang ibang tao.

Impact

Siniseryoso namin ang aming Community Guidelines pati na rin ang impact nito sa aming komunidad. Gagawin namin ang lahat para masiguradong sinusunod ito ng mga tao. Mayroon kaming warning system na nasa lugar, pero kung patuloy ang paglabag at malala na ito, aaksyunan namin ito.

May karapatan kaming mag-imbestiga o mag-terminate ng accounts nang walang refund sa anumang purchases kung makita naming ginamit mo sa mali ang aming Services o kumilos nang hindi angkop, labag sa batas, o labag sa aming Community Guidelines o Terms of Use, kasama ang anumang mga kilos o komunikasyon na naganap sa labas ng Service ngunit may kinalaman sa ibang taong nakilala mo sa pamamagitan ng Service.

Any questions? Ang lahat ay may at least one.

Bisitahin ang FAQs

Sapat na ang nabasa mo. Go find out.

I-download ang Tinder

Sapat na ang nabasa mo. Go find out.

I-download ang Tinder