Pahayag ng Pagiging Accessible
Panimula
Sa Tinder, nakatuon kami sa pagbuo at pagsasama ng teknolohiya na nagdadala ng mga tao sa mga paraang madaling maunawaan, inklusibo, at naa-access ng lahat. Ipinagmamalaki naming naglilingkod sa isang pandaigdigan at magkakaibang komunidad—na tinatanggap ang mga tao sa lahat ng edad, lahi, kasarian, oryentasyong sekswal, pinagmulan, kakayahan, at mga layunin sa relasyon. Ipinakikita po namin ang pangakong iyon sa mga sumusunod na paraan:
Tuloy-tuloy na pagsasanay sa accessibility: Nakakatanggap ang pangkat namin ng pagsasanay hinggil sa mga pinakahustong gawi sa accessibility, na naglalayong siguruhin na mayroon ang mga empleyado ng mga kakayahang kinakailangan para mapaunlad ang pagiging inklusibo at ang antas ng pagsunod sa mga umiiral na pamantayan.
Pagsunod sa Pandaigdigang Pamantayan sa Accessibility: Sinisikap naming tugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng aming mga member, sa pamamagitan ng pagsunod sa mga pinagtibay na pamantayan sa accessibility, gaya ng W3C Web Content Guidelines 2.2 Level AA (WCAG 2.2 AA) at ang European Harmonized Standard EN 301 549.
Regular na pagsusuri: Regular naming sinusuri ang aming services batay sa pinakabagong mga alituntunin sa accessibility, gaya ng WCAG 2.2 AA guidelines, at nagsasagawa ng mga kinakailangang update para mapanatili ang accessibility.
Mga mekanismo para sa feedback: Bumuo kami ng mga channel para makapagbigay ang users ng feedback sa mga isyu sa accessibility at nilalayong matugunan ang mga naalala agad-agad.
Inaamin namin na marami pang kailangang gawin: Nangangako kaming patuloy na magsisikap upang matulungan ang lahat, saan man, na magkaroon ng pagkakataong makipag-connect, makibagay, at bumuo ng mga makabuluhang ugnayan—na malaya sa mga hadlang, pagkiling, o diskriminasyon.
Paglalarawan ng Service at Mga Hakbang upang Suportahan ang Accessibility
May misyon ang Tinder na gumawa ng mga makabuluhang ugnayan para sa bawat tao saan mang panig ng mundo. Layunin naming masiguro na na-aaccess ang service sa iba't ibang format, para masuportahan ang malawak na pangangailangan ng users. Sa pagsasaisip ng layuning ito, pinagsikapan naming gumawa ng iba't ibang hakbang, kabilang ang ngunit hindi limitado sa mga sumusunod:
Text-based na deskripsyon: Mga alternatibo para sa hindi tekstuwal, makabuluhang content at nakasulat na impormasyon na available sa payak na wika.
Audio support: Mga naratibong paglalarawan para sa mga user na may kapansanan sa paningin.
Kompatibilidad sa screen reader: Gumagana ang services sa mga kilalang screen reader.
Mga alternatibong multimedia: Kung naaangkop, may kasamang mga caption/subtitle, transkripsyon, audio description, at alternatibong teksto ang biswal at multimedia content.
Sufficient-contrast at zoom functionality: Nagbibigay ng sapat na contrast para sa mga elementong biswal at kakayahang palakihin ang teksto para sa mga user na may kapansanan sa paningin.
Inihahatid ang service namin sa pamamagitan ng interface na sumusuporta sa accessibility gamit ang:
Simpleng nabigasyon: Mga lohikal na layout na may magkakaugmang mga heading, landmark, at nabigasyon.
Accessibility gamit ang keyboard: Mga function na napapagana gamit ang keyboard.
Help at support: Guides na nasa accessible na format, kung kailangan.
Naisasaayos na settings: Pinaraming opsyon para ma-personalize ng mga user ang settings, gaya ng kakayahang baguhin ang laki ng teksto sa settings ng mobile device, mga theme, at mga mode ng display.
Patuloy kaming nagsisikap na pagandahin ang aming accessibility sa pagbibigay ng:
Kapansin-pansing content: Layunin naming magpakita ng biswal at pandinig na impormasyon sa mga paraang akma sa mga pangangailangan ng user.
Nagagamit na interface: Patuloy naming sinisigurado na nananabiga ang services gamit ang keyboard at compatible sa assistive technologies.
Nauunawaang disenyo: Gumagamit ang aming interface ng malinaw at payak na wika, at umiiwas sa labis na komplikasyon.
Pangmatagalang content: Layunin naming magdisenyo at bumuo ng mga feature na compatible sa kasalukuyan at hinaharap na assistive technologies.
Mga Limitasyon at Alternatibo
Bagama't nilalayon naming makapagbigay ng accessible na karanasan para sa lahat ng user, maaari pa ring may ilang limitasyon. Sa ilang pagkakataon, maaari mong kailanganing i-reboot ang app para maging available sa iyo ang accessibility update, o i-double tap ang photo para mag-zoom in o out sa tiyak na sukat (bilang alternatibo sa multi-finger pinch na gesture). Bukod dito, maaaring itigil ang mga animasyon sa pamamagitan ng pag-off ng animation options sa operating system mo. Kung makaranas ka ng anumang problema, mangyaring ipagbigay-alam sa amin, at sisikapin naming makapagbigay ng alternatibong solusyon.
Feedback at Impormasyon sa Pakikipag-ugnayan
Tinatanggap po namin ang inyong feedback sa pagiging naa-access ng aming mga serbisyo. Kung makatagpo po kayo ng anumang mga hadlang sa accessibility, mangyaring makipag-ugnayan po sa amin sa pamamagitan ng aming Help Center o isa sa mga pamamaraan nang direkta sa ibaba:
Padalahang sulat:
Kung nakatira ka sa European Economic Area, United Kingdom, o Switzerland:
MTCH Technology Services Limited
Tinder
10 Earlsfort Terrace
Dublin 2, D01 T380 Ireland
Kung nakatira ka sa ibang lugar:
Tinder LLC
P.O. Box 25472,
Dallas, Texas, 75225