Frequently Asked Questions
May tanong ka
May sagot kami
Profile and Matches
Anong photo ang dapat kong gamitin sa Tinder?
Yung tipong ikaw talaga. Walang group shots kung saan kailangan naming manghula, walang sunglasses na itinatago ang kalahati ng iyong mukha, walang blurry candid shots from 2019. Naka-focus, nakaharap, at kung nakangiti ka — even better. You’d be surprised how far that goes.
Ano ang dapat kong ilagay sa bio?
Whatever feels true. Isang list ng mga bagay na gusto mo, kung anong hinahanap mo, isang reference na tamang tao lang ang makaka-gets. Keep it light or go deep — either works. Just make it yours. Para sa mga hindi dapat isama, tingnan ang aming Community Guidelines.
Paano mag-unmatch ng user?
I-tap ang blue shield sa profile niya o sa chat para pumunta sa Safety Toolkit at mag-unmatch. Done. Hindi kailangan ng explanation, at walang hard feelings na required.
Paano gumagana ang Tinder® matches?
Dalawang taong nag-swipe on each other, that's a match. Ganun lang kasimple.
What happens after is up to you.
Anong ibig sabihin kapag sinabi ng Tinder na may na-miss akong match?
Ibig sabihin, may nag-like sa'yo at nag-swipe left ka bago mo pa nalaman. Nangyayari talaga ito.
Kung may Tinder Plus ka, maaari kang mag-rewind at makita siya ulit.
Paano Gumagana ang Tinder
Free ba ang Tinder?
Oo. I-download ito for free sa App Store o Google Play, o gamitin ito sa tinder.com. Ang lahat ng basics (gumawa ng profile, mag-Like ng tao, makipag-match) ay free. Nandiyan ang aming premium tiers if you want more.
Paano gumagana ang Tinder?
I-set ang preferences mo (distance, kasarian, orientation) at gagamit ang Tinder ng location-based technology para ipakita ang mga taong malapit sa'yo na match dito. Mag-swipe right para mag-like, mag-swipe left para mag-pass. Makipag-match sa taong ni-like ka rin at simulan ang pag-uusap.
Totoo ba ang Tinder profiles?
Sineseryoso namin 'yan. Sa pamamagitan ng Photo Verification, makukumpirma ng members na sila ang nasa kanilang photos, kung saan ang verified profiles ay makakakuha ng blue checkmark. We strongly recommend na magkaroon ka nito. Maganda itong tingnan sa profile mo at nakakatulong itong mapanatiling ligtas ang ating community.
Maaari bang gamitin ang Tinder sa laptop?
Oo. Pumunta sa tinder.com at mag-log in para sa full desktop experience. Available doon ang karamihan sa features.
Available ba ang Tinder sa bansa ko?
Available ang Tinder sa 190+ countries sa buong mundo. Kung may access ka sa App Store o Google Play Store, maaari mong i-download ang Tinder at simulang makipagkilala sa mga tao nasaan ka man. Sa pamamagitan ng Passport feature, maaari ka ring makipag-match sa anumang lugar bago ka pa dumating. Kaya kung nagta-travel ka man o curious lang, sagot ka namin.
Ligtas ba ang Tinder?
Seryoso ang Tinder pagdating sa iyong kaligtasan. Kinukumpirma ng Photo Verification na actual na members ang nasa photos nila — ang verified profiles ay may blue checkmark. Available ang Safety Toolkit sa bawat match at conversation, na nagbibigay sa'yo ng one-tap access para mag-block, mag-report, at mag-unmatch anumang oras. Sa pamamagitan ng Share My Date, maipapaalam mo ang mga detalye ng iyong date at lugar sa taong pinagkakatiwalaan mo bago ka umalis. Nagbibigay ng karagdagang confidence ang ID Verification na ang taong kausap mo ay totoo sa kung sinong sinasabi nila. At kung may pakiramdam kang hindi maganda, ang tulong ay one tap away. Para sa iba pang tips, puntahan ang aming Safety Tips page.
Paano burahin ang Tinder account ko?
Maaari mong burahin ang iyong Tinder account anumang oras sa app settings. Pumunta sa settings, mag-scroll pababa, at piliin ang Delete Account. Tandaan na permanente ang pagbura ng account mo: ang iyong matches, messages, at profile ay mawawala. Kung kailangan mo lang ng pahinga, maaari mong i-hide ang iyong profile para walang mabura sa account mo. Para sa step-by-step na tulong, puntahan ang aming Support page.
Features at Subscriptions
Ano ang Tinder Plus / Gold / Platinum?
Ang Tinder ay may tatlong subscription tiers depende kung gaano karami ang gusto mong i-unlock. Ang Tinder Plus ay nagbibigay ng unlimited likes, unlimited rewinds, Passport, walang ads, at Incognito mode. Ang Tinder Gold ay ang lahat ng nasa Plus, kasama ang kakayahang makita kung sinong nag-like sa'yo, Top Picks, weekly Super Likes, at monthly Boost.
Kasama sa Tinder Platinum ang lahat ng nasa Gold, at ang kakayahang mag-message bago makipag-match, priority likes, at visibility sa likes na ipinadala mo. Ang lahat ng subscriptions ay available monthly at maaaring i-manage sa app settings mo. Tingnan ang buong detalye sa aming Subscriptions page.
Paano gumagana ang Boost?
Inilalagay ka ng Boost sa unahan ng profiles sa area mo sa loob ng 30 minutes, na nagbibigay sa'yo ng hanggang 10x more visibility. Hanapin ang purple lightning bolt kapag handa ka nang gamitin ito.
Ano ang kasama sa Tinder Gold?
Makita kung sino ang nag-Like sa'yo, unlimited Likes, Rewind, Passport, weekly Super Likes, 1 monthly Boost, at ad-free experience. Lahat ng kailangan mo para makontrol ang iyong matches.
Saan ko makikita ang Super Likes sa Tinder?
Hanapin ang blue star sa isang profile. Iyon ang Super Like. Gusto mo bang makita kung sino ang lahat ng nag-Super Like sa’yo nang hindi ka nanghuhula? That’s what Gold is for.
Ano ang da best na Tinder subscription?
Depende sa hinahanap mo! Binibigyan ka ng Plus ng freedom: unlimited likes, Rewind, Passport, walang ads. Idinadagdag ng Gold ang kakayahang makita kung sinong nag-like sa'yo. Inilalagay ka ng Platinum sa unahan ng list gamit ang Priority Likes at ang kakayahang mag-send ng message bago makipag-match. Magsimula kung nasaan ka at magpatuloy mula roon.
Sino ang nag-send sa akin ng Super Like?
Kung gusto mong malaman sa old-fashioned na paraan, ituloy lang ang pag-swipe at hanapin ang blue star. Kung gusto mong malaman, ipinapakita ng Gold ang lahat ng nag-Like sa'yo,
kasama na ang Super Likes.
Dating & Relationships
Pwede bang i-sponsor ng Tinder ang kasal ko?
Nagawa na namin ito dati at ready kaming maki-celebrate sa'yo.
Mag-email sa tinderstories@gotinder.com. Sabihin sa amin ang kwento niyo at huwag mahiya.
Pwede ka ba talagang makahanap ng date sa Tinder?
55 billion matches na ang nagsasabing oo. Gumawa kami ng features para tulungan kang mag-stand out at makipag-connect. The rest is up to you.
Pwede ka bang makahanap ng love sa Tinder?
Maraming pwedeng mangyari rito. May mga pangako kami para patunayan ito.