Frequently Asked Questions

Kung gusto mo kaming mas makilala, nasa tamang lugar ka. Ito ang basics ng Tinder.

Sali Na

Ang Iyong Profile at Matches

Anong Tinder® picture ang dapat kong gamitin?

Mag-upload ng photos sa Tinder® kung saan naka-feature ang taong gustong makita ng lahat: ikaw! 'Wag mo munang isama ang friends mo dahil tungkol ito sa'yo, at tanggalin mo muna ang shades mo para hindi matakpan ang iyong mukha. Ang best photos ay may malinaw na focus at sabi ng iba, a smile goes a long way here.

Ano ang dapat kong ilagay sa bio?

Ang bio ay pasilip sa kung sino ka. Kung 'di mo trip ang magsulat, pwede kang maglista ng mga bagay na trip mo. Pwedeng chill lang at sabihin ang iyong hobbies at pwede rin namang sabihin mo ang mga qualities na hinahanap mo sa isang match. Para sa info kung ano ang mga hindi dapat ilagay sa iyong bio, basahin ang aming Community Guidelines.

Paano mag-unmatch ng user?

Kung nagdadalawang isip ka tungkol sa taong ni-Like mo—okay lang 'yan. Pwede mo s'yang i-unmatch anumang oras. I-tap ang blue shield icon sa profile ng match mo o sa chat at pumunta sa Safety Toolkit para mag-unmatch.

Paano gumagana ang Tinder® matches?

Dapat gamitin ng dalawang users ang Swipe Right® feature para i-Like ang isa't-isa at makabuo ng match.

Anong mangyayari 'pag may na-miss kang match sa Tinder®?

'Pag sinabi naming you missed a match, ibig sabihin nito ay ginamit mo ang Swipe Left™ feature sa taong nag-Like sa 'yo.

Paano Gumagana ang Tinder®

Libre ba ang Tinder®?

Ang Tinder® ay pwedeng i-download nang libre sa App Store at Google Play Store o pumunta sa https://tinder.com para gamitin ang Tinder for Web. Sa basic features, maaari kang gumawa ng profile, gamitin ang Swipe Right™ feature para i-Like ang isang user, at Swipe Left™ feature naman para mag-pass.

Paano ba gumagana ang Tinder®?

Gamit ang location-based technology ng Tinder, we connect you sa mga profiles na ayon sa kasarian, layo, at orientation filters na pinili mo.

Legit ba ang Tinder® profiles?

Gumagamit ang Tinder® ng Photo Verification para masiguro na ang taong kausap mo ay match sa photos na in-upload nila. Ang verified profiles ay may blue checkmark at recommended rin namin na magkaroon ka nito—maganda 'to para sa lahat at nakakatulong ito na maging safe ang ating community.

Maaari bang gamitin ang Tinder® sa laptop?

Kung gusto mo ng desktop experience, maaari mong ma-enjoy ang karamihan sa aming features sa https://tinder.com.

Saan gumagana ang Tinder®?

Ang Tinder ay isang global online dating platform kung saan pwede kang makakilala ng new people, magpalawak ng social network, o makakilala ng mga lokal sa 190+ na bansa. Next question…

Ang Features at Subscriptions ng Tinder

Paano ginagamit ang Tinder Gold™?

Tingnan ang lahat ng iyong admirers sa iisang lugar 'pag nag-subscribe ka sa Tinder Gold™. Makatipid ng oras sa pamamagitan ng auto-matching, dismissing, at expanding ng profiles mula sa Likes You grid.

Paano gumagana ang Boost ng Tinder®?

Sa pamamagitan ng Boost, makakasama ka sa top profiles sa iyong lugar sa loob ng 30 minuto. Mag-abang sa purple lightning bolt kapag gusto mong mas mapansin nang hanggang 10x.

Paano gumagana ang Top Picks ng Tinder?

'Di kami fan ng labels pero alam din namin 'pag may nakita kaming magandang bagay. Sa Top Picks, pwedeng pumili ang members ng 1 mula sa 10 categorized profiles bawat araw habang ang paid subscribers naman ay may chance na makita ang curated list na may 10 members.

Anong pwedeng gawin sa Tinder Gold™?

I-maximize ang iyong oras gamit ang Likes You feature ng Tinder Gold™ at i-enjoy ang ad-free experience sa Unlimited Likes, Rewind®, Passport ™, 5 daily Super Likes™, at 1 monthly Boost.

Saan makikita ang Super Likes™ sa Tinder?

Hanapin ang blue star sa profile ng potential match para makita kung sinong nag-Super Like™ sa'yo. Kung gusto mo ng mas mabilis na resulta, mag-upgrade sa Tinder Gold™ para makita ang lahat ng nag-Like sa'yo.

Sinong nagpadala sa akin ng Super Like sa Tinder?

Kung naghahanap ka ng clue kung sinong nagpadala sa'yo ng Super Like, tingnan ang listahan ng users at hanapin ang blue star sa profile ng potential match mo.

Tungkol sa Relationships at Dating

Pwede bang i-sponsor ng Tinder ang kasal ko?

Kahit nag-sponsor na ang Tinder noon ng mga kasal, hindi kami makakapangako tungkol dito, pero ready kaming i-celebrate ang iyong special na araw. I-email mo kami sa tinderstories@gotinder.com para sa chance na makakuha ng free Tinder swag.

Pwede ka ba talagang makahanap ng date sa Tinder?

Sa 55 billion matches na nagawa ng Tinder, pinadali nitong makipag-meet sa mga tao. May features kami para mas mapansin ka at tumaas ang iyong chance na magka-match, pero depende sa'yo kung ano ang iyong diskarte.

Pwede ka bang makahanap ng love sa Tinder?

Love ba ang hanap mo? Tama ang napuntahan mo—lahat ay posible sa Tinder, at may vows kami para patunayan 'to.