Paano gumagana ang Swipe Night

Simula November 7, ika'y maiimbitahan na mag-participate sa Swipe Night event sa Tinder Explore. Ang experience na ito ay pwedeng ma-access sa Explore tab, makikita sa navigation ng iyong app. Ang bawat Swipe Night episode ay tumatagal nang ilang minuto at mae-experience mo ito kasama ang ibang Tinder members na exclusively available tuwing Sunday mula 6pm-12am.
Pagkatapos ng bawat episode, pwede kang makipag-match sa ibang players na nag-participate rin sa Swipe Night experience at makita ang choices na ginawa nila. Mag-join forces para i-solve ang mystery!

FAST CHAT

Pagkatapos makumpleto ang bawat episode tuwing Linggo ng gabi, ika'y automatic na mapupunta kaagad sa Fast Chat - isang dedicated na messaging space kung saan pwede kang makipag-usap sa ibang players tungkol sa iyong Top Suspects at iba pang clues mula sa istorya. Ito'y magiging available lamang sa Explore tuwing Sunday mula 6pm-12am

SWIPE NIGHT MATCH STACK

Pagkatapos mag-exit sa Fast Chat tuwing Linggo ng gabi, ika'y idi-direct sa iyong Swipe Night Match Stack na isang curated stack ng match recommendations ng ibang Tinder users na naglaro ng Swipe Night. I-open ang kanilang profiles para makita ang kanilang choices, at tingnan nang mabuti ang mga naka-highlight na choices na siyang mga bagay na magkapareho kayo.

IMMERSIVE NA EXPERIENCE

Para makabuo ng most immersive na video experience, kami'y nag-feature ng ilang mobile-specific na elements bilang parte ng istorya, gaya ng notifications at vibrations. Ang notifications na iyong makikita sa experience na ito ay para lamang sa storytelling purposes; hindi totoo ang mga ito.

VIDEO CONTROLS

Kung gusto mong i-pause ang video, i-tap nang isang beses ang video kapag walang choice na nasa screen. Mula doon, pwede mong i-turn on ang closed captioning (sa pamamagitan ng icon na nasa ibaba ng iyong screen) o i-exit ang experience. Kapag ika'y nag-exit, pwede ka pa ring bumalik sa Explore sa pamamagitan ng pag-tap sa episode at kusang mapupunta ang istorya kung saan ka tumigil.

REPLAYS

Habang pwede mong itigil ang pag-play ng isang episode bago ito matapos, ang unang choices na iyong ginawa ang siyang magde-determine ng iyong matches.
Mag-Tinder na